Martes, Agosto 7, 2012

tinulaan ko na lang ang ulan.

Oo, tumula na lang ako noon sa ulanan. Ito ang mga tulang ipinanganak ng makata sa kahabaan ng mga basa't bahagyang binahang kalsadang kanyang dinaanan sa paglalakad nitong mga nagdaang panahon ng tag-ulan. May kabutihan rin naman ang ulan sa pagpapaibayo ng mga salita. Ngunit, mas nais ng makata ang araw.

 
 Para kay Ulan

Diskurso:

Ako ay isang buto
Wala lang
Nais ko lang
Sabihin
Sapagkat
Hindi mo ako iintindihin
Wala kang
alam
Sa kalungkutan
Pagdurusa
Pighati
Ng isang
gaya kong
buto
nakabaon
sa alakabok
baon
lamang
ang
sariling
kaliitan
kadumihan
Lalo ngayon
Lumlom
sa basa
sa baha
sa putikan
sa kadiliman
naghihintay
ng anong
himala?
Tumigil ka ulan!
At ikaw na nagbaon sa akin
hanguin
mo ako
sa dumihan
Bago pa
ako


tumubo
maging

kaawa-awang

halaman














sa putikan!

-----------------------------------------

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento