Martes, Agosto 7, 2012

Matapos ang ulan, ang walang hupang ulan

Tinunaw na ng init ng araw ang mga walang awang ulap! YEY!!!! Sana humupa na rin ang mga baha, at ayusin na natin ang mga aayusin.
Salamat naman 
Tinapos mo na
Ang pagluhang
Parang batang
Walang pakialam
Ilang buhay ba
ang kinuha mo?
bago magsawa
sa paghagulgol
Gumulo ang kalupaan
Gumuho mga lupa
Gumuhong mga pangarap
Gumawa ka ng kasalanan
Na di mo kailanman
Pagsisihan
Pagbabayaran
Sa bagay
Nasa itaas ka 
kami naman
iyong mga alipin
sa alinmang kapritso
isip-batang
makapangyarihan
nasa itaas ka lang
langit.

Salamat naman salamat naman. Hay. Huwag na sana siyang magmaktol ang sumpunging langit! Ngayon, hindi pa rin ako makasulat ng matinong repleksyon para sa isang paper. ><

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento