Kahapon, busog na busog ako sa naging pagsusuri at interpretasyon ng mga guro mula sa seminar. Obhetibo at walang kahalong kulay ng politika ang mga papel tungkol sa bayani at kabayanihan. Walang pangangastigong nangyari. Iginalang ang mga panteon ng mga sagradong simbolo ng isang Nasyon at nag-iwan ng isang realistikong mensahe ang mga nagsipagsalita kung ano ang maaaring maging bahagi ng bawat isa sa amin sa lipunan. Hindi rebolusyong bayan, hindi pag-aaklas, kundi sa maliit na mga bagay na kaya naming ialya para sa bayan. REalistiko at hindi idealistikong kaggaya ng propaganda ng mga radikal. Possible.
Hindi ko alam pero doon ko ulit naramdaman na may pag-asa ang Pilipinas. Marami talagang dapat mabago, oo. Pero, may pagtutubos na mangyayari. Ngunit hindi dapat matulog ang mga inatasang Tagapagbantay ng Pilipinas. Dapat na maging maalam ang mga Tagapagbantay ng Pilipinas at kung hindi, magpapatuloy lamang ang opresyon.
Masyadong overrated ang kaalaman o katalinuhan. Ang karunungan naman ay napakalalim arukin ngunit ito ang kinakailangan. Sumakatwid, malinaw ang pangangailangan sa isang Espirituwal na gabay.
__________________________
Kaugnay ng gabay, kung nitong nakaraang Lunes at Martes ay nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang iba't ibang pagtinigin o lapit sa pagsususri sa Bayani/ Pagkabayani/Kabayanihan at makita ang naging kahulugan at kabuluhan ng Bayani/ Kabayanihan/ Pagkabayani sa daloy ng Kasaysayan (kumpleto na ang milyu ng aking tesis!), ngayon naman ay nalaman ko na ang eksaktong metodolohiyang gagamitin ko sa pagsusuri -- critical discourse analysis specifically lexical analysis ^_____________^. Kung yung "Bagani tungong Bagong Bayani" seminar ay nai-tip lang sa akin ni Jeli, ngayon naman si Andrew bigla ang nag-suhestiyon ng metodolohiyang iyon bilang yun rin ang ginagamit niya ngayon sa tesis niya. Tama si Andrew kanina.... bumubuhos bigla ang ideya mula sa kalangitan. TAMANG TAMA SIYA. Panalo. Sana mag-best thesis siya. Pero di raw niya pangarap. Ah well, ilalagay ko naman sila sa aknowledgement page ng tesis ko. Hay.
Grabe, pangarap ko talagang mag-best thesis at mag Laude. Pangarap lang ang bala ko dahil kung sa talino lang, isa ako sa 'less' persons. Ruth the less ang itawag niyo sa akin. Bwahaha. Pero yun nga, pangarap ang bala ko. Best thesis at Laude sana. Ayokong itamabak sa kung saang kangkungan ang tesis ko kaya sana mag-best thesis at ma-publish. Ambisyonin! Sana magkaroon ako ng palalim na palalim na hugutan.
Higit sa lahat, kung mag-best thesis man ako o hindi, nawa'y maging katulong-tulong na ambag ang tesis ko (talaga) para sa departamento ng Filipino at sa buong bansa.
Magdilang anghel sana silang nangangantyaw ng best thesis, silang mga naniniwalang kaya kong mag-best thesis at akong nangangarap.
GO! ^________________^
_________________
Nakiupo ako kanina ng sampung minuto sa ilang mga kaklase ko. Gusto ko lang makinig sa kanilang mga usapan para malaman kung ano ang maaaring iniisip ng karamihan ng mga kabataang Pilipino at kung sinu-sino ang dapat na dikitan at layuan, at tulungan sa aking mga kasamahan, ngunit naging malinaw ang pagpapakita ko na hindi ako sumasama sa kanila. ang hirap. Hindi ko ma-spell, pero sa kanila paraan na ito ng pamumuhay. Kakaiba ang mga kalokohan. Hindi ko na ikukuwento pa. Sayang ang mga talino. Sayang ang mga buhay.Kabataang Pilipino -top state univ students. Nakaka-burden. :|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento