Sabado, Agosto 20, 2011

Para sa araw ngayon

Para sa araw ngayon, maraming magandang bagay ang nangyari. Una, marami akong nakamkam na libro. Hehe. Ibig sabihin ko, napaphotocopy ko na rin silang lahat sa wakas. Isusunod ko na ang Hinilawod bukas at ang book copy ng 'From Third to First World'. Priblehiyo. Napakakaunti lang sa Pilipinas ang may pribilehiyong makapagbasa - at primera klaseng mga babasahin pa ang nababasa ko.

Bottomline: walang puwang ang sakit kong self-pity o ang pagiging hindi katalinuhan ko. Isa lang ang dapat tandaan: wala akong dapat sayangin at wala nang rason pa upang magdahilan.

Ikalawa, nakakatuwa lang na nakikilala ko yung mga taong karapat-dapat pakinggan, paniwalaaan, at tularan kaya tumitibay uli sa akin kung sino yung mga taong hindi dapat pinakikinggan o inaalala pa. Nakakatuwang nakakasama ko ulit yun mga taong kaggaya nila dahil pinakamahalaga sa lahat, malaking tulong sila sa paghubog ng pagkatao ko -- lalo na ng mga prinsipyong tinatayuan ko. Dalawang mabuting tao ang ibinigay sa akin para sa araw na 'to : si Lee at si Tita Poying.

Bottomline: choose carefully your friends. They will definitely be a part of your identity.

Ikatlo, may napagtanto ako sa quote na nabasa ko mula sa isang akademikong libro sa Sikolohiya ng Wikang Pilipino.

"Sa antas ng pakikipagpalagayang-loob lamang makakamit ang malalim at taos-pusong sagot ng kalahok. Isa pa, ang pagbubukas ng kalooban ng isang kalahok ay umaasa rin ng katumbas na kilos at damdamin mula sa mananaliksik. Kapag ang kapalit at kapantay na tugon ay hindi nakamit ng isang kalahok, kadalasan ay binabawi niya ang tiwalang ipinakita at ibinabalik ang pagtutunguhan sa higit na mababaw na antas, gaya ng pakikitungo o pakikisama.."

Bottomline: ang pakikipag-ugnayan lalo na ang pakikipagkaibigan ay inaalagaan. Katulad ng halaman, umuusbong ito hindi lamang sa pamamagitan ng sinag ng araw o matabang lupa kung hindi dahil sa pagdidilig nito. Katulad ng pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan, higit sa lahat, pinakamahirap makuha at panatilihin ang tiwala. Sabi nga, sa oras na mabali ang tiwala, napakahirap na nga nitong ibalik. Kaya naman higit sa lahat at hangga't maaari, mahalagang maging sensitibo sa mga tao sa paligid lalo na sa kaibigan. Dito na pumapasok ang sarili, pagiging makasarili, at pagkilala sa iba bilang kabahagi ng sarili. Higit sa lahat, kailangang kilalanin kung sinu-sino at alin-alin ang tamang pagkatiwalaan ng tinatawag ngang 'pakikipagpalagayang-loob' na ito, kung kailan ito ibibigay at kung kailan babawiin, at kung kailan ipagtatanggol ang sarili mula sa ibang mapagsamantala.

[ritwal ng pangangaral sa sarili - at pagsasalaysay ng mga mabuting pangyayari para sa katatapos lamang na araw]

*** 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento